学校日記

BUWAN NG PEBRERO Mga Pagdiriwang"

公開日
2015/02/16
更新日
2015/02/16

日本語教室から

Sa silid aralan ng Nihonggo(Japanese) ay sabay na pinag-aralan ang Kultura at tradisyon ng bansang Japan at Pilipinas,ang mga okasyon at mga pagdiriwang na idinadaus sa bawat buwan,gumagawa ng paksa hango sa kalendaryo at iniaayon dito ang bawat pag aaral.
Sa Buwan ng Pebrero pinag aralan ang tungkol sa "Setsubon"(Gabi sa unang araw ng Tag-sibol) JS Promenade at Araw ng mga Puso"(Valentines Day).
Tungkol sa Setsubon mayron ng kunting kaalaman ang mga mag aaral tungkol dito,dahi sa naging karanasan nila nitong nakaraang taon,pero ang "JS Prom" na hindi tradisyonal na idinadaus sa Japan ay nakakapanibago sa ibang mga bata,sa pilipinas idinadaus ito mula sa pangatlo at pang apat na baitang sa hayskul(kung sa Japan nasa Pangatlong baitang sa Junior hayskul at Unang baitang sa Senior hayskul),ang mga kabataang babae't lalaki ay pormal na nakadamit sa pagdiriwang na ito,may kainan, sayawan,ito daw ay unang hakbang tungo sa landas sa pagkakaroon ng nasa tamang edad.sa pag aaral na ito nagkaroon ng kanya kanyang mga saloobin ang mga kabataan...kagaya ng(gusto kong makaranas ng ganitong pagdiriwang) (ayon sa isang bata ang pinsan daw niya ay nakaranas ng ganitong pagdirirwang).
Pero ang pinakapagbigay ng puwang sa kanilang mga puso ay ang kasaysayan tungkol sa Araw ng mga Puso",ang pinagmulan ng alamat nito ang Valentines Day",tinalakay ang pinagmulan nito,sa ngayong panahon ang buong mundo ay opisyal na ipinagdiriwang ito, ang paghahatid ng mensahe ng pagmamahal sa bawat isa,sa kababaihan man at kalalakihan, sa japan nagsimula ang tradisyonal na pagdiriwang na ito nooong 1970,na pagbibigay kagaya ng mga tsokolate ng mga kababaihan sa mga kalalakihan na naging aral sa mga kabataan,nakapgbigay sa kanila ng mga ngiti at pagkakilig.
Habang lumilipas ang mga panahon ang kultura at tradisyong ito ay patuloy na umuusbong at nababago sa paglakad ng panahon.