学校日記

Pang Ika 56 na Kumpetisiyon sa "TALUMPATI"

公開日
2015/02/13
更新日
2015/02/13

日本語教室から

Isang matagumapay na kumpetisiyon sa "Talumpati" ang ginanap nitong nakaraang Pebrero 11(miyerkules), sa prestihiyosong Unibersidad ng Pangkakabaihan sa lunsod ng kyoto(Kyoto Womens University). Nilahukan ito ng mga mag aaral mula sa unang baitang hanggang Anim na baitang,mula sa iba't ibang mga paaralan sa elementarya ng Kyoto, pribado man o pampubliko.
Sinimulan ang seremonya ng isang pangbukas na talumpati,na nagsimula mula alas 9:30 ng umaga hanggang Hapon na nagtapos ng pagbibigay ng mga iba't ibang kategoriya ng parangal,dinaluhan ito ng ng mga iba't ibang mga mararangal na mga tao,mga kawani mula sa mga iba't ibang institusyon,kompanya kagaya ng NHK at iba pa at syempre ang mga kanya kanyang pamilya,mga guro at mga taong sumusuporta.
Ang mithiin ng kumpetisiyon na ito ay patungkol sa importansiya ng edukasyon sa bawat isa,sa sipag at tiyaga,layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang bawat kabataan na maipahayag ang kanilang mga saloobin sa salita,sa isip at sa gawa.maipahayag ang sariling damdamin sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga sariling naging karanasan sa hirap at ginhawa,mga naging saloobin,mga katanungan,mga gustong mangyari at mga pangarap.
Isang magandang oportunidad ito sa bawat lumahok ang maiparating nila ang kanilang buong pusong mensahe patungkol sa Pamilya...Ang tatay ko, Ang nanay ko at iba pa,Patungkol sa Kaibigan....Ang kaibigan ko, Ako at ang kaibigan ko,at iba pa. Patungkol sa pangarap...Gustong maging trabaho....gustong maging paglaki at iba pa.Patungkol sa mga karanasang di makakalimutan...pinakamasaya,malungkot,pinakanakakatakot at pinakanag iwan ng puwang sa puso.
Sa silid aralan ng Nihonggo ay may tumayong naging representante sa palahok na ito di man lahat nakapag uwi ng karangalan,pero sa puso ng bawat isa naiparating ang buong pusong mensahe at ang maipagmamalaking tulay ng pinaghalong dalawang kultura ng Pilipinas at Japan ,ang maipagmalaki ang sariling kinagisnang kultura ay kayamanang walang kasing tulad at kapalit,sa pagtatapos buong pagbati sa mga nakapag uwi ng karangalan sa lahat di lang sa sarili kundi maging man sa paaralan at sa lahat.