Ang Masayang Pananghalian Sa Paaralan
- 公開日
- 2015/05/08
- 更新日
- 2015/05/08
日本語教室から
Dumating ako sa Japan noong nasa unang baitang na ako, kinakain ko ang pananghalian sa paaralan,sa mga panahong iyon habang kumakain ako maraming beses na madalas na isinusuka ko ito ,dahil sa hindi pa ako sanay sa pagkain ng hapon.
Hanggang sa dumating noong nasa pangalawang baitang na ako,ay paunti-unti na akong nasasanay dito. At nagustuhan ko na ang pagkaing hapon.
Nang mga panahong sanay na ako, may dumating na batang babae mula sa kaparehong bansang pinanggalingan ko,naging mag kaibigan kami. At lalo ko pang nagustuhan ang pananghalian sa paaralan.
Noong nasa pangatlong baitang na ako,nalaman ko na ang inihahandang pananghalian sa paaralan ay gawa mula sa mga kamay ng mga taong may puno ng pagmamahal.
Labis na kasiyahan ang nadarama ko ng malaman ko iyon.simula noon magiliw ko na itong pinakaaantay antay.
Noong nasa pang apat na baitang na ako,sinadya naming puntahan ang kusina kung saan inihahanda ang masarap na pagkain at doon pinag aralan namin.
At napag aalaman namin, na mga naglalakihang kaldero at mga malalaking sandok na panghalo sa pagkain ang ginagamit pala sa paghahanda para aming masarap na pananghalian.nakakagulat at nakakamangha ang malalaking mga kaldero at sandok.
Masaya at masarap ang pananghalian namin sa paaralan,napakarami kong magagandang alaala dito kaya’t palagi kong pinakaaantay antay ang masaya at masarap na panaghalian sa paaralan.