学校日記

Pagtatanghal Para sa mga Iba't ibang kultura at Tradisyon sa Kapwa bansa

公開日
2015/02/02
更新日
2015/02/02

日本語教室から

Pagpupugay,Pakikipag ugnayan,Pakikipag kaibigan at respeto sa Kapwa bansa,Mga katutubong Kultura at Tradisyon ng Bawat kapwa bansa.
Isang malaking tagumpay ang naging pagtatanghal ng mga mag aaral sa silid aralan ng Nihongo,noong Pebrero Uno(1)Linggo, na ginanap sa kyoto teruza hall,para sa Pang Ika 23 na Pagdiriwang para sa mga Iba't ibang Kultura at tradisyon ng iba't ibang bansa.
Unang ipinakita ng mga mag aaralang paghandog ng awiting "Kay Liit Ng Mundo"sa tatlong salita,sa wikang English,Filipino at Hapon,sinundan ito ng isang sayaw,Ang katutubog sayaw ng Pilipinas ang "Tinikling".
Ang mga gawaing ito ay sinimulan noong buwan ng nobyembre,pakunti-kunting oras ng pageensayo sa oras ng pagkatapos ng mga takdang aralin ng mga mag aaral sa paaralan sa buong araw,hindi naging madali sa una,dahilan sa kunting oras na pag ensayo,hindi pare-parehong oras sa pagensayo,ang pagiging mahiyain sa umpisa at sa mahinang boses dahilan sa walang kumpiyansa sa sarili pagdating sa pagkanta,hindi makasaliw sa tugtugin ng tinikling sa pagsayaw,ilang beses na pagkaipit ng mga paa habang iniensayo ang sayawin.
Ngunit napalitan ang lahat ng ito dahil sa sikap at tiyaga ng bawat isa at ang pagiging responsable ng mga nakakataas na mga nasa mataas na baitang,ang pagiging matulungin at maalalahanin nila para sa mga nakakabata sa kanila ang mga nasa mababang baitang,ilang beses na paulit-ulit na pag ensayo hanggang naabot nila ang kagandahan at pagkabuo nito.
Kung kaya't pagdating ng Araw para sa Pagtatanghal nito,maliban sa mga Mahal sa buhay,sa mga taong palaging nakasubaybay para sa kapakanan nila,naging walang kasing tumbas na kaligayahan at maipagmamalaki ng lahat! habang pinapalakpakan sila ng lahat ng mga manonood lalo nilang gingalingan ito,di nila alintana ang pagod bagkus makikita sa mga ngiti nila ang pagmamalaki sa kanilang nakagisnang Kultura at tradisyon na para bagang ang lahat ay nasa gitna ng kaligayahan di lang ang mga nagtatanghal maging man ang mga sumuportang manonood.