学校日記

Pang Ikalawang Pag aaral para sa iba't ibang Kultura

公開日
2014/11/21
更新日
2014/11/21

日本語教室から

Pinag aralan sa araw na ito,Nobyembre 18(martes),ang Pang Ikalawang Pag aaral para sa iba't ibang Kultura,Ang Kultura ng bansan Nigeria.Ang mga Mag aaral mula sa Pangalawa,Pangatlo, at pang apat na baitang ay pinag aralan ito ayon sa kanya kanyang baitang at nakatakdang mga oras.Sa umpisa makikita sa mga mukha ng mga mag aaral ang kaba at pag aalinlangan nang makita nila ang bisitang guro sa napakagandang katutubong kasuotan nito,pero nawala lahat iyon at napalitan ng isang masayang mga mukha ng batiin sila ng isang malakas at masiglang pagbati ng bisitang guro sa katutubong salita nito na "OTSUTSUONMA!"(Magandang Umaga),Pagkatapos nito ay sinimulan na ang pagpapakilala sa sariling bansa at kultura sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga iba't ibang larawan,kagaya ng sitwasyon ng bansa,mga katutubong kasuotan,pagbati,pagkain ,trabaho at iba pa,bawat mag aaral ay nagkaroon ng mga kanya kanyang reaksiyon at mga katanungan,kagaya ng "may kapareho sa Japan,hindi pa nila nakikita. marami ang nagtaas ng kanilang mga kamay sa oras ng palatanungan at palasagutan.Sa huli ay gumawa sila ng isang malaking bilog na espasyo at masaya nilang isinayaw ang katutubong Sayaw ng Bansang Negeria.