学校日記

Pinakahihintay na “J Lunch”

公開日
2015/02/27
更新日
2015/02/27

日本語教室から

Sa Mababang Paaralan ng Hino,ang “J Lunch” ay espesyal na inihahandang pananghalian para sa mga mag aaral na JFC” sa silid aralan ng Nihongo.pinakahihintay ito ng mga mag aaral, isang beses sa isang buwan,.walang nabago sa inihandang pagkain para sa pangkalahatang mag aaral,ang naiiba lang dito ay ang pagsasama-samang pananghalian ng mga kabataan sa silid aralan ng Nihongo mula sa unang baitang hanggang pang anim na baitang.nabuo ito bilang pagbibigay daan sa mga kabataan na magkaroon ng pagkakataong maramdaman nila ang init ng nasa sariling tahanan,makipagkuwentuhan sa kinagisnang salita at kultura,at maipahayag ang mga sarili,sa sariling pagkilanlan at pagkakaroon ng dalawang pinagbuklod na pagkakilanlan at kultura.kuwentuhan,tampukan ng dalawang salita Hapon at Pilipino”na hinahayaang maging Malaya sila sa pagiging kung sino sila ng kanilang tagapatnubay na guro sa Nihongo,minsan sinasabayan din sila ng kanilang mga butihing punong guro sa kanya kanyang silid aralan at ang palaging mainit na pagbati sa kanila ng nutrisiyonista ng paaralan,na palaging pinakaiingatan ang kanilang mga kalusugan sa bawat pagkaing inihahanda sa kanila.
Ngayong tanghali isang masarap at isa sa pinakapaborito ng lahat na pagkain ang “Cream Stew”ang nasa hapag kainan nila,ang Cream Stew na iniluto na may iba’t ibang halong gulay,kagaya ng kabuteng “Kinoko”may karne din ito ng manok.
Sinamahan ito ng Tinapay na ginawa sa magkahalong kalamay at harina,ginisang gulay na spinach at mais,at preskong gatas,habang sarap na sarap sa pagkain ay may kanya kanyang mga hiling ang mga bata”Gusto ko pa ng Karne! Pahingi ulit ng ulam!dagdagan mo pa ang gulay na kinoko!Ang Sarap!.
Kumakain habang nagkukuwentuhan,at pagdating ng anunsiyo sa paaralan,lahat ay biglang tatahimik,nakatutok ang lahat kung ano ang anunsiyo,at ang kanilang pinakahihintay na palatanungang laro,o mga keyword na dapat tandaan nila sa araw na iyon,isang masigla at napakasayang pananghalian.
Nalalapit na rin ang pagtatapos ng buong taong pasukan,mamalas ang pagkakaroon ng maganda at positibong pananaw sa bawat mag aaral tungo sa paghahanda para sa pagharap sa panibagong baitang,hagdanang paakyat sa panibagong simulain ng buhay.Maraming salamat!!!